Photobucket

28 November 2015

MAHAL

Sa isang laro ng tadhana, nakilala ka,

Tila isang regalo, ako ay nagtaka. 
Ngunit ang puso ay iyong pinasaya,
Bawat pintig nito'y tinatawag ka.

Isang buwan ng ligayang walang pagsidlan,
Ang mundo kong madilim ay muling nailawan. 
Ngiti sa mga labi hindi maiwasan,
Patawarin ako't minahal ka ng lubusan.

Mali at hindi tama, isip ko'y sumisigaw,
Sa bawat minuto, oras at araw. 
Puso may tunay, isip ko ay umaayaw,
Alam kong kasalanan ang hindi pagbitaw. 

Ngunit sabi mo wag ako mangamba,
Dahil sa kabila ng lahat, totoo ang pagsinta.
Sa layo ng agwat, ako'y di nagpaalintana,
Sinuong ang konsensya basta't maging masaya. 

Natapos ang isang buwan ng hindi inaasahan,
Ang aking mga palad agad mong binitawan,
Ang sakit na dinulot hindi makakalimutan,
Ang mga luha ang saksi ng kinahinatnan. 

Isang buwan ng saya, isang buwan ng pagdurusa,
Ngayon ay isa na namang buwan ngunit ako ay manhid na. 
Totoong ang puso ay tumitibok pa,
Minahal kang tunay, ngunit siguro ay tama na.

Lagi mong tandaan na ako'y masaya,
Kung saan mo mahahanap ang iyong ligaya.
Ako ay bibitaw dahil hindi na kaya,
Ang puso ko ay sadyang pagod na. 

Habangbuhay iisipin ka,
Dumating man ang panahon na ako'y matanda na. 
Mahal kita at yan ay hindi magbabago pa,
Saksi ang buwan na ikaw at ako'y minsang pinaglaruan ng tadhana.


~Y
11.27.15

0 comments:

 
template by suckmylolly.com flower brushes by gvalkyrie.deviantart.com