Photobucket

18 October 2015

SAPAT NA.

Anong isusulat ko?

...

...

... Wala. Walang salitang gustong kumawala sa puso't isipan ko. Wala. 

Subalit...

Tapos na ang pagdaloy ng luha. Tapos na ang paninikip ng dibdib. Tapos na ang paglalaban ng puso at utak. 

Tapos na nga ba?

Pero... Bakit? Bakit umaasa ka parin?


Nalipasan na ng labis na hinagpis sa maya't mayang pagkawala. Napagod na ang puso sa mga damdamin na hindi kailanman mapapakawalan. 

Napagod... Ngunit patuloy kang umaasa... Isa ka bang tanga?

Ang matutong magmahal ang pinakamakabuluhan sa mundong ito. Ipagmamalaki ko habangbuhay na nagmahal ako... 

Minahal man o hindi, nagmahal ako. Yun lang, sapat na. 

Wala akong masabi. Hindi ko alam kung nasaan ako sa mundong binuo nating dalawa. Wala akong masabi...


Maghihintay ako? Maaaring oo, maaaring hindi. Wala akong makitang liwanag. Madilim ang tinatahak ng aking puso patungo sayo.. 

Pero, maramdaman lang ang pagmamahal mo, yun lang, sapat na. 

Patuloy kang hahanap-hanapin. Ikaw lang ang hinahanap ng puso ko. Lagi mo sanang iisipin, san man ako mapunta, san man ako dalhin ng tadhana... Minsan sa iyong makulay na buhay, minahal kita ng higit pa sa iyong akala. 

...


... Hindi magbabago. 



~Y
10.18.15

0 comments:

 
template by suckmylolly.com flower brushes by gvalkyrie.deviantart.com